MGA SALOOBIN SA HARAP NG DUTSA
Ni Dizhiotcho Alfabeto (Joshua Albert Patlin)
Ang tulang ito ay
sisimulan ko sa isang anekdota.
Naglalakad ako sa
kalsada,
Nang may madatnan akong patay na pusa.
Kamamatay lang,
pagkat dugo’y sariwa.
Aking hinakbangan upang
‘di matapakan.
Subalit may nakakita,
Isang mayuming
dalaga.
Matalim niyang mga
mata sa aki’y humuhusga.
Hindi ako.. ang
pumatay…
Malinis ang aking
kamay.
Sa aking paa
dugo’y hindi man lamang dumantay.
Hindi ako ang
pumatay!
Ang tulang ito ay
hindi kapara ng sa iba.
Hindi ito ROMANSA,
Hindi ito tungkol sa
dalawang estrangherong nagkatuluyan.
At hindi ito tungkol
sa malanding ugnayan.
Hindi ito KATATAKUTAN,
Hindi ito tungkol sa
babaeng kayang ibaluktot ang katawan habang sinasapian.
At hindi ito tungkol
sa manikang may mala-rosas na pisnging sinasaniban.
Hindi ito TELENOVELA,
Hindi ito
tungkol sa paslit na hulog ng langit.
At hindi ito tungkol
sa karapatan ng mga kabet.
Hindi ito PORNO,
Hindi ito tungkol sa
humahalinghing na haponesa.
At hindi ito tungkol
sa nagmumurang amerikana.
Hindi…
Iba ‘to?!
Katatapos lang umulan
dulot ng bagyo.
Ilang araw nang
walang ligo.
Pero ‘di pa naman
mabaho.
Tinungo ko ang banyo
Inalis ang saplot.
Ngayo’y tila
nanumbalik sa unang sandali ko sa mundo
Sa unang beses na ang
hangin ay aking masamyo.
Inabot ang hawakan.
At ipinihit pakanan.
Dahilan upang tubig
mula sa Dutsa ay bumagsak sa aking harapan.
Binasa ko ang sarili,
Umagos mula sa aking ulo,
Dumaloy sa katawan,
Hanggang umabot sa
talampakan
Napaisip ako,
Habang ikunukulapol
sa bumbunan ang artipisyal na gugo.
Nakakasakal ang
mundo.
Idinidikta ang bawat
kilos at galaw mo.
Walang kang layang magdesisyon para sa sarili mo.
Napaisip ako,
Habang nilalanghap
ang amoy ng albatross.
Nakakabanas ang mga
tao.
Pagkakamali mo’y naging kabuuan ng iyong
pagkatao.
Wala kang ligtas sa
mapanghusgang lipunang nakapaligid sa’yo.
Napaisip ako,
Habang hinihilod ang
bawat libag na nailimbag sa balat.
Kailan naging batayan
ang sukat at timbang sa kakayahan.
Walang dahilan ngunit
nakasanayan at naging libangan.
Wala akong nagawa
kung hindi pabayaan.
Pagkat mga saloobin
sa harap sa dutsa'y tila walang katapusan.
Isinantabi na lamang
tulad ng bula na naglaho sa kawalan.



