Sa bawat ragasa ng ilog,
kasabay na umaasa o’ aking irog
Sa bawat pagaspas ng hangin,
ang pagnanais madampungan ang iyong karigtaan,
ang siyang aking hangarin
Sa bawat pagindayog ng punong kahoy,
iyong karigtaan sanhi ng aking panaghoy
Sa saliw ng ibong hindi matanaw,
Aking tinig ay umaalingawngaw,
Iyong ngalan aking sinisigaw
Damdamin ko’y pilit pumipiglas,
Nagnanais mailabas at maibulaslas
Isang marugdog na damdamin , na sa iyo’y inaalay,
Nawa’y sa pansin ay hindi pagkaitan
Sa uulitin aking minamahal ,
sa atin nang muling pagtatagpo,
kahit maging ito pa’y sa kabilang buhay
Naway hindi maglaon ay sa maalab na pagtitinginan na
daratal.
[maaring marinig
ang akdang ito sa pamamagitan ng
pag-click sa link sa itaas , enjoy :)) ]
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento