Notification 1 : God posted on your timeline. - Dizhiotcho Alfabeto

           Hi! :) Thanks for accepting nga pala. It has been a long time without communication aah? Bakit hindi ka na dumadalaw sa house q :( ? Alam mo marami sana akong gustong sabihin sa’yo , gusto sana kitang i-PM kaso lang hindi q matyempuhang O.L. ka. Pasensya ka na nga pala kung noong may problema ka pakiramdam mo iniwan kita, ‘yun cguro ang dahilan kung bakit hindi mo na aq pinupuntahan sa bahay q,:( tska hindi ka na tumatawag sa akin :( . ‘Yun pa rin naman yung # mu dba? Alam mong hindi q magagawa sa’yo yun, mahal kita eh, gusto q lang namang matutong kang harapin ang problema mo ng magisa at you have no idea how much I wanted you to grow up as a person. Pero alam mo may hinanakit din ako sa’yo :(. Kasi panay ang like mo sa mga status ng mga friends mo , autoliker ka nga nung crush mo eh, tapos kapag nakikita mo ‘yong mga post q ini.iscroll down mo kaagad. Tapos kapag nakakabasa ka ng mga love quotes , nilalike mo agad sabay magcocoment ka ng “ Pa-repost po :(” , samantalang kapag nagpost ako ng tungkol sa kaligtasan ng sanlibutan binabalewala mo lang. Gusto q lang namang intindihin mo yung post q at i.share sa mga friends mo. :( Kapag nakakakita ka ng mga chix at hubad na larawan nagiging malawak ang imahinasyon mo para kang asong nauulol, kinikilig at tumataas ang libido . Samantalang kapag nakikita mo ang litrato ng mukha ng anak kong pagod na pagod at halos lumuha na ng dugo, hindi mo man lamang naisip ang hirap na dinanas niya para lamang maisalba kayo sa kasalanan. Alam mo naiinis ako kapag nagpopost ka ng picture mo sa Instagram habang suot ang mamahalin mong damit na may caption pang “#OOTD” hindi ko maintindihan kung bakit nagagawa mo pang magpost ng mga ganon habang nakikita mong walang maisuot ang mga kababayan mong hinagupit ng kalamidad ,hindi q rin maintindihan kung bakit nagawa mo pang mag-selfie habang kumakain ng masasarap na pagkain sa mga sikat at mamahaling restaurant , ganon kaba ka.insensitive para hindi malaman na maraming mga bata ang namamatay sa gutom taon-taon, hindi q talaga maintindihan ?_?, paki-explain , labyu! Lagi ka na lang nagpapalit ng DP mo ibat ibang pose , may duck face pa nga eh , naiinis aq alam mo ba ‘yon ? kasi ginawa kong kawangis ng itsura q ang mga tao , malinaw naman na hindi aq mukhang bibe hindi ba? Naiinis din aq kapag nakikita ko ang post mo tungkol sa kung kelan ulit maglalabas ng libro si Bob Ong , mabuti pa si Bob Ong binabasa mo ang mga libro niya samantalang ako isa lang ang ginawa ko ng libro ni hindi mo pinagkaabalahang basahin. Ginawa mo lang display sa ibabaw ng cabinet mo , para san pang naging best selling book of all time yung libro q? :( Nagtataka lang ako kung bakit pilit niyong inaalam kung sino talaga si Bob Ong , naghahanap kau ng clues sa mga libro niya, pero hanggang ngayon wala pa ring makapagsabi kung sino talaga si Bob Ong. Samantalang aq walang interesado :( , ee madali lang namang malaman kung sino ako :). Hindi mo na kailangan pang mabaliw sa kakahanap ng clues sa ibat ibang libro o mag-search sa google. Buklatin mo lang ang libro q at malalaman mo kung sino aq at kung gaano ko kamahal ang tulad mo :). Alam mo ba isang araw nagulat na lang ako , may nakita aqng memes na tungkol sa akin, tandang tanda q pa nga yung caption ee, “ Wag kang magalala ako ang nagiisang lalake na hinding hindi ka sasaktan” , oo nga’t hindi kita sasaktan pero pa’no niya nasabing lalake aq ee wala pa ngang nakakakita sa akin diba?. Nabasa q sa tweet mo parang may kaaway ka na naman, alam mo hindi tamang magdesisyon ka habang galit ka. Maraming maapektuhan kapag hindi mo muna pinahupa ang galit mo. Basta lagi mong tatandaan walang masama sa paggamit ng teknolohiya, gamitin mo ng tama at ‘wag maging pabaya , “think before you click” ika nga. Akalain mo pati aq may poser na rin sa Facebook? Marami siyang post tungkol sa akin ,sa kung paano maliligtas ang sanlibutan , kung hindi mo pa nababasa ang libro q , nakaka.decieve talaga. Siya nga pala punta ka ulit sa bahay q aah? :) O kaya naman tawagan mo q , eto nga pala number q : 09210-76548833(S-O-L-I-T-UD-E) tawagan mo aq kapag hindi ka na busy. Sasagot aq kahit anong oras ,anytime , anywhere , kahit walang signal :). Oh, sige na medyo mahaba na to , buti na lang sa fb aq nagpost , kasi kung sa twitter kukulangin ako ng characters. Lagi mong tatandaan mahal na mahal kita , ni minsan hindi kita kinalimutan. Labyu!! XOXO :* Take care always :) .

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento