Buhay - Dizhiotcho Alfabeto



Buhay, sadyang kayraming lihim ang iyong taglay.

Buhat ng makamtan mula sa sinapupunan ng aking inay,

kayraming kaganapan ang sa iyo'y dumaan.

Kaibigan,kaaway at minamahal silang lahat ay parte ng iyong kabuuan.

Kasiyahan,Kalungkutan at Kabiguan, ako'y naging saksi sa iyong kapaitan.

Inosenteng kamalayan dinungisan ng huwad na kaalaman.

Nagsusumidhing damdamin bunga ng kabuktutan ng ilan.

Kasinungalingang taglay ng lipunan sanhi ng iyong makamundong kapangahasan.

At ang magpatuloy na tila walang naganap ay isang malaking kabalintunaan.

Buhay, kayraming nagtangakang ika'y lubos na maunawaan,

experto, siyentipiko at taong maalam, subalit kaalamang nakalap ay mababaw lamang.

Tila yelo sa dagat ng hilaga ng mundo tanging nakikita'y maliit na bahagi lamang nito.

Subalit ang katotohana'y ang natunghaya'y wala sa kalahati nito.

Kayrami ng iyong pinagdaanan hapdi,kirot,dagok ng pagsubok at sugat ng nakaraan.

Kasagutan bang ika'y ipagdamot at kitlan ang iyong kamahalan?

Kasabihang humihilom ang sugat sa pagdaan ng panahon, ay aking lubos na pinaniniwalaan.

Subalit paano makakamtan kung ika'y tumigil nang magpatuloy?

Huminto sa kawalan at hindi sinabayan ang mundo sa paginog nito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento