Aparisyon - Dizhiotcho Alfabeto

(001)Ako nga pala si Jobert , nagtatrabaho ako bilang isang junior researcher sa isang programa sa telebisyon. Bilang isang researcher kasama sa trabaho ko ang magpunta sa ibat ibang lugar kung saan may mahahanap na istorya na maitatampok sa aming programa. Mga sikat na personalidad, mga kwento ng pagmamahalan, kwento ng pagsubok at tagumpay, kwento ng mga bagay na may halaga at kung minsan , KABABALAGHAN.  Sabi ng mga matatanda mayroong mga elementong mas nauna pa sa lahi nating mga tao sa mundong ito. Dati ay binabalewala ko lang ito dahil sa buong akala ko panakot lang ito ng mga matatanda sa mga sutil na bata. At lalo pang tumibay ang pagaakala kong ito ng may nabasa akong artikulo sa isang babasahing filipino na ang konsepto ng mga aswang at kung ano ano pang maligno ay kathang isip lamang at ginamit lamang ng mga prayleng kastila upang kumbinsihin ang mga Filipino na talikdan ang kanilang sinaunang relihiyon at magpabautismo bilang isang kristiyano. At para na rin malihis ang atensyon nila sa mga pagaaklas sa gobyerno ng espanya. Buong buhay ko iyan ang akala ko , subalit ,isang araw ay may kakaibang pangyayaring bumago sa mga paniniwala ko sa mga kakaibang nilalang. Bago pa lang ako noon sa trabaho ng maganap ang pangyayaring iyon.--Kasalukuyang nagdedeliberate ang research team na kinabibilangan ko tungkol sa susunod na itatampok ng aming programa."Ok, mr. jobert ikaw na ang pumunta sa location maghanap ka ng magandang scoop aah, isama mo si kuya johnny para ipagmaneho ka dalhin n'yo 'yong van." sabi ng team leader namin>>>>Itutuloy 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento