Buto - Dizhiotcho Alfabeto

Haayy… Summer na naman ang init init iniittttt ng paligid. At kapag Summer na ,  ito ang matagal nang hinintay ng mga estudyante ang……  BAKASYON!! Maraming nagiisip kung pa’no nila gugugulin ang ilang linggong bakasyon. Ang iba nagpaplanong magbakasyon sa ibang bansa at takasan ang init ng Pinas. At marami na namang mga gumagala sa mall para magpalamig sa aircon pero wala namang binibili. ‘Yong  iba hayun suot suot ang bikining binili noong  nakaraang taon na halos lumuwa na ang mga kaluluwa habang nagtatampisaw sa bitch este  beach o swimming pool , pero may iba namang palakasan na lang ng loob , ang bikining suot  hapit na hapit at naglalabasan ang mga “BELT BAG”  sa t’yan. Hindi kasi natunaw ‘yong FATS mula sa mga nakain nila no’ng Christmas  at no’ng  bagong taon. Nagmukha tuloy silang two piece .. chicken joy.  Ang iba naman naghahanap ng summer job para may pang gala sa bakasyon dahil nga bakasyon ee walang baon, kaya ayun nga nga. Maraming nageenroll sa mga crash course na ino-offer sa internet para nga naman hindi masayang ang panahon na walang natututunan. Kayo ba anong gagawin niyo ngayong bakasyon? Haay.. nakakasabik na talagang magbakasyon.

Ako nga pala si Bernard Oliver N. Estanislao, isa akong freelance writer sa isang kumpanya ng dyaryo. Yaman din lamang at napaguusapan ang bakasyon may gusto sana akong ikwento sa inyo. Nangyari ito noong nagbakasyon kami ng pamilya ko sa pronbinsya namin sa Nueva Ecija mga tatlong taon na ang nakakalipas.  Nagimpake ako ng pang- tatlong  linggong damit, dun na namin gugunitain ang semana santa kasama ng pamilya ko. Umalis na kami at sumakay ng van. Ang haba ng byahe namin, dumaan sa nlex, tumigil para mag c.r. , kumain, nagpa-gas tumigil saksi sa karambola ng kuliglig at tricycle, bumili ng pasalubong para kay lolo , huminto nag-syesta, at viola!! Nakarating na rin kami sa probinsya. Pagkababa namin ng mga gamit ay sinalubong kami ng mga kamaganak namin sina lolo at lola , tito, tita at mga pinsan. Ibinababa nila yung mga gamit at ipinasok sa kwarto. Nagkakatuwaan sa loob ng bahay , pero ipinasya kong lumabas at tumingin tingin sa paligid. Matagal tagal na rin pala akong hindi nakakabisita dito , siguro mga sampung taon na rin. Masyado kasing busy sa trabaho kaya wala akong oras para bumisita. Dito sa probinsya ako lumaki , habang nagtatrabaho sa manila sina Papa at Mama si Lolo Ado at Lola Maya na ang nagpapalaki sa akin. At dahil nga laking probinsya ako ee naranasan ko ding magtanim ng mga gulay at halaman. Sa probinsya dito ako unang natuto ng biology, photosynthesis , kung paano nagiging puno ang isang maliit na buto. Nalaman kong ang bawat halaman ay may buhay, minsan nga kinakausap ni lola Maya yung tanim niyang orchid kapag ayaw mamulaklak ee. Haay.. ang sarap talagang sariwain ang nakaraan. Naglakadlakad pa ako sa di kalayuan, teka marami na rin palang nagbago sa amin, hmmm… pero ang sarap pa rin talaga ng hangin dito sariwang sariwa, di katulad sa maynila nakakasulasok. Naglakadlakad ulit ako hanggang sa may napansin akong matanda kasama ang kanyang apo. Ang saya saya nilang dalawa, naalala ko tuloy noong naglalaro kami ni Lolo Ado ng habulan kahit iika-ika na siya ee pilit pa rin syang tumatakbo papunta sakin. Tapos dadating naman ang Lola Maya at sasabihing “Hoy, Adonis tigilan niyo na muna ‘yan at magalmusal lalamig ang kape mo, ikaw naman Ben maghugas ka na ng kamay mo at maligo amoy kambing ka na katulad ng Lolo mo ahaha”, “Ito namang si Maya hayaan mo na ang bata para namang hindi dumaan sa pagkabata ito oo, ako na lang ang asikasuhin mo  hehe” sabad ni Lolo Ado, sabay yakap kay Lola Maya “Ay nako tumigil ka dyang matanda ka may bata sa harap mo oh , amoy kambing ka pa”. “Nay si Lolo amoy kambing hahaha” sabi ko nang may panunukso. Napakasweet nila sa isa’t isa naglalambingan nagaasaran minsan nagaaway pero nagbabati rin naman , at tunay ang kanilang pagmamahalan. Lumapit ako ng konti sa mag-lolo gusto ko sana silang kausapin kaya lang baka makaistorbo lng ako sa bonding moment nila kaya tumayo na lang ako sa puno malapit sa kanila. Nakita ko ang matanda na may hawak na palakol at akmang hahampasin ang isang patay na puno. “Lolo ano pong gagawin niyo sa puno?” anas ng bata. “Apo puputulin ko na ang punong ito kasi patay na para na rin maipanggatong at mapakinabangan,”sabi ng matanda. “Lolo wag mo putulin yung puno diba po sabi mo ang puno nagbibigay ng lilim sa atin  tska matagal na tong punong to sa bakuran tsaka dito niyo inukit yung pangalan niyo ni Lola diba ?” pigil ng bata. “Apo oo nga’t  saksi ang punong ito sa napakaraming masasayang bahagi ng buhay ko pero, kailangan ko nang putulin ito, para mapagtanimann ng bagong puno, ito ang tandaan mo apo , ang lahat ng buhay sa mundo ay may katapusan, tulad ko , matanda na ko darating at darating yung araw na lilisanin ko ang mundong ito,”sabi ng matanda. “Ayaw ko Lolo wag mo ko iiwan putulin mo na yang puno basta wag mo po ako iiwan huhu,”umiiyak na turan ng bata. “Hay ang apo ko hindi pwedeng ganon balang araw hindi mo na ako kakailanganin sa buhay mo,” wika ng matanda. Nang puputulin na ng matanda ay nagprisinta akong tumulong para naman hindi mahirapan ang matanda. Nagpasalamat naman ito sa sinabi ko. Pagkatapos maputol, isang dipa ang layo sa puno ay naglabas ng buto ang matanda. “Apo , nakikita mo ba tong hawak ko?” tanong ng matanda sa apo. “Opo Lolo, para san po yan?” nagtatakang tanong ng bata. “Ang mga ito ay buto ng lanzones , ito ay ang itatanim natin kapalit ng pinutol nating puno kanina para mapalitan,”sabi ng matanda. “Ee Lolo ano po ang buto?” tanong ng bata. “Ang buto , dito nagmumula yung mga malalaking puno, sa pamamagitan ng mga buto naibabalik sa mundo yung mga punong pinuputol natin, kung ano yung pinagmulan ng butong ito siy rin ang magiging puno.”sagot ng matanda. “Aaah ganon po pala ‘yun,”kuntentong wika ng bata. Umalis na ako at bumalik sa bahay. Inabutan ko ang isang handaang pinagsasaluhan nilang lahat agad akong umupo at kumain, ang saraapp talaga ng lutong bahay, nabusog ako sa handang tinolang native na manok, kalderetang kambing, pinaupong manok at lechon. Lumipas ang dalawang linggo nabalitaan ko na lang na namatay na yung matandang nagpuputol ng kahoy , namatay daw dahil sa sakit. Nang marinig ko yung balita kinagabihan daglian kong tinungo ang bahay nila hindi pala kalayuan sa bahay ng lolo ko. Sumilip ako sa pinto at nakita ko ang buong paligid na nababalot ng liwanag mula sa mga ilaw ng inarkilang funeral service. As usual may saklaan may tong-its at bingo ganito siguro talaga kapag nasa probinsya ang patay ang kinukuhaan ng ikabubuhay. Sumilip ako sa kabaong ng matanda , aba tingnan mo nga naman mukhang natutulog lang. Napaisip ako bigla asan na kaya yung apo nitong matanda, siguro umiiyak siya ngayon , kahit din naman siguro ako  ang namatayan ng lolo ee magngangangawa talaga ako . Hinanap ko siya sa loob ng bahay at sabuong bakuran nila pero hindi ko siya makita.May nakakwentuhan ako habang naghahanap , nalaman kong ulila na pala sa mga magulang ang apo ng matanda at magkatuwang sila sa pagpapalaki sa apo ng kaniyang asawa. Pero tatlong taon na ang nakakaraan ay namatay sa sakit ang asawa nito kaya magisang binubuhay ng matanda ang kanyang apo.  Tyempong napadaan ako sa mga nagsasakla nakitaya na rin ako , “bente haring bastos”, sabi ko sa kubrador. Ang swerte ko nga naman oo nanalo ako ng halos dalawang libo sa isang oras na pagtambay ko sa saklaan. Hanggang sa makita kong dumaan yung apo nung matanda may hawak siya pero hindi ko natitigan kung ano, nang biglang may umalingawngaw na sigaw “HAAAAAYYYYYYYYYY!!!!!!! YUNG BUTO NG MATANDA NAWAWALA!!!!!!”,sigaw ng isang babae, nanggaling ang sigaw sa kwarto kung saan nandun yung kabaong. Mabilis tinungo ng mga tao ang pinanggalingan ng sigaw. Tumambad sa amin ang nakabukas na kabaong ng matanda ,wala na ang braso nito , may nakita rin kaming isang lagari sa tabi ng kabaong. Nabuo sa isipan ko ang mga pangyayari yung hawak ng bata kanina sa may saklaan hindi kaya.. Dali dali kong hinanap ang bata. Ewan ko ba pero parang may humihila sa akin papunta sa lugar sa pinagputulan naming ng kahoy. Nakarating ako sa lugar na pinagputulan ng puno. Naaninag ko ang bata na naghuhukay ng lupa, umiiyak ito. Hindi masyadong madilim nung gabing yon spagkat bilog ang buwan at nasisinagan nito ang lugar kung nasaan kami. Nilapitan ko ng bata, tinanong ko siya kung ano ang ginagawa niya. “Kuya tinatanim ko  po yung buto ni lolo  para bumalik na siya sakin, sabi kasi niya yung buto daw kapag itinanim magbubunga ng katulad ng pinagmulan nito. Magkahalong gimbal at awa ang naramdaman ko noong mga sandaling ‘yon. Alam kong mali yung ginawa ng bata pero naaawa pa rin ako sa kanya umaasa siya sa isang bagay na imposibleng mangyari. Niyakap ko ang bata at doon umagos na luha sa aking mga mata. Hindi nararapat para sa isang inosenteng bata ang mga pangyayaring  ito, ngunit walang sinuman ang maaaring sisihin sa lahat ng ito. Natauhan na lamang ako sa pagdagsa ng mga tao sa kinaroroonan naming. Nakita nila ang braso ng matanda at ibinalik kasama ng mga labi nito,  walang sinuman ang nagawang sisihin ang bata pagkat alam nilang dahil lamang ito sa kanyang murang isipan. Lumipas ang ilang araw , oras na para umuwi kami sa maynila. Ang huling balita ko sa bata ay kinupkop siya ng kamaganak ng kanyang lolo at tumira sa ibang bayan. Naisipan kong puntahan ang lugar kung saan ko unang nakita ang maglolo, nakita ko ang pagusbong ng isang maliit na halaman kung saan nagtanim ng buto ang matanda , kulay luntian tila ba simbolo ng pagasa. Nakabalik na kami ng maynila nakakapaagod pero marami akong natutunan sa bakasyong ito. Hindi pala lahat mahal mo sa buhay palaging nasa tabi mo dahil darating yung araw na tulad ng isang puno ay  malalanta at mawawalan ng buhay.-----

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento