Mundo ng Manunulat - Dizhiotcho Alfabeto

Sa mga panahon na ika’y nalulumbay ,
nais maibulaslas iyong hapis at pagdaramdam.
Subalit tila balewala ang iyong tinig,
walang lakas ng loob na sa iba’y ipabatid,
na ang luha sa iyong mata’y nangingilid.
Sa pamamagitan ng panulat iyong ilabas,
hinanakit ng puso’y doon ipagpalipas.
Sapagkat, sa mundong ito’y kalayaan iyong makakamtan.
Mundong maaari mong gawin ang anuman,
walang kahit sinuman ang makikialam .
Mundong  walang bahid ng  diskriminasyon ,
walang  pinipiling edad o kasarian,
tanggap maging ano ka man.
Maaaring ipahayag mga katagang hindi masabi ng harapan ,
pagkat  sa  lakas ng loob ay pinanghihinaan,
ikaw ang magtatakda ng iyong kapalaran.
Sa mundo ng manunulat ,                   
malaya kang maging sinuman na  iyong naisin.
Maaaring maging isang kabalyero,
pluma ang iyong sandata,
at ikubli ang sarili sa iyong balong panunulat.
Walang ibang kailangan ,
kundi lapis, papel, inspirasyon  at malawak na balintataw.
Magsimulang tahakin ang mundo  ng manunulat ,
at hanapin ang kung anong sayo ‘y makapagmumulat.


[[maari mo nang marinig ang voice over ng akdang ito ,

 i-click lang ang link sa itaas, enjoy :)]] 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento