ni: Dizhiotcho Alfabeto
Mahabang panahon ang nagdaan
Pagkatha ng akda ay nakalimutan
Isang talumpati mula sa di pangkaraniwang hari
Nagpaningas sa aking dugong manunulat
Na hindi ko namalayang dumadaloy pa sa aking ugat.
Nagdesisyong balikan
Larangan kung saan
Ako ang mayakda ng aking kapalaran
Subalit sa aking paglikha
buslo ng tula ay di makita.
Ngalang gamit at daangletra ay naglaho sa gunita.
Ano ang aking gagawin?
Lumikha ng bago
at umulit sa simula?
Ang isipan ko'y tuliro
Malulutong na mura ang nangingibaw sa utak ko.
Pagasa'y nagsisismula nang maglaho
Hindi maari ,
Hindi ako makapapayag,
na ang mga nasimulan ay mauwi sa wala at maglaho sa karimlan.
At sa isang iglap isa sa mga inilagay na pangalan ay tumugma.
Nabuksang muli ang buslo ng tula.
Paagtalikod sa panitikan ay muntikang maganap.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento